Ang Mangrove Forest Development Technical Work Group ng Pamahalaang Lungsod ng Naga,Cebu na pinangunahan nina City Tourism and Heritage Development Officer at City Engineer Engr. Alpha Alojado ay nagsagawa ng benchmarking activity sa Day-as Mangrove and Marine Park sa Munisipalidad ng Cordova.

Layunin ng benchmarking activity na makakalap ng mahahalagang impormasyon at pinakamahuhusay na pamamaraan mula sa mga Local Government Unit ukol sa pagbuo ng konsepto ng kanilang mangrove eco-park at sa mga kasanayan sa co-management nito.
 
Nagpaplano ang Pamahalaang Lungsod ng Naga, Cebu na magtayo ng isang boardwalk sa kasalukuyang mangrove forest sa lungsod upang suportahan ang paglago ng turismo at ang isang malusog na kapaligiran sa komunidad. Bahagi rin ng TWG ang mga kinatawan mula sa Office of the City Planning and Development Coordinator at City Environment and Natural Resources Office.
 
Ang aming taos-pusong pasasalamat kina Mayor Cesar Suan at sa Munisipalidad ng Cordova sa pagtanggap sa aming Mangrove Forest Development TWG.
 

Leave a Reply