Ang mga pondong ito ay bahagi ng komitment ng dalawang kumpanya upang suportahan ang pagpapanatili at pagpapatakbo ng Vicente Mendiola Center for Health (VMCH).
ย
Ang mga tseke ay iniabot ni ALQC Community Relations Officer Dondon Ubay, na siyang kumatawan sa dalawang kumpanya.
ย
Ang APO Cement Corporation at ALQC ay dalawa sa limang kumpanya sa Naga na nangakong maglalaan ng pondo mula sa kanilang Social Development Program para suportahan ang mga serbisyong pangkalusugan at medikal ng Pamahalaang Lungsod para sa mga mamamayan ng Naga simula pa noong 2017.
Maraming salamat APO Cement Corporation at ALQC!






Post Views: 704
